Sagot :
MGA TULA TUNGKOL SA GULAY
1. Lagi bang matamlay at minsa’y lupaypay?
Siguro pagkain ay hindi nababagay
Sa katawang dapat malusog na tunay
Ang sagot d’yan ay mga pagkaing gulay
Dahil sa gulay, may sustansiyang tunay
Magandang balat, masayahing buhay
Sapagkat sa gulay na luto ni inay
Lusog at talino, ating matataglay
2. Gulay, gulay ang ating kailangan
Ihain araw-araw sa hapag kainan
Lusog at sustansiya ating makakamtan
Kapag gulay sa mesa ay matatagpuan
Maaaring iulam, pwede ring wala lang
Ihalo sa isda maging sa karne man
Sa pagkain ng gulay marami ang natulungan
Matanda, bata, kahit pa sinuman
MGA BENEPISYONG MAKUKUHA SA PAGKAIN NG GULAY
- Mababa ito sa fats at calories kaya kahit marami ang kainin mo, hindi ka tataba.
- Kadalasan sa mga gulay ay mataas ang potassium na nakakatulong upang i-maintain ang blood pressure dahilan upang makaiwas sa sakit.
- Nakukuha mula sa gulay ang iba’t ibang bitamina, mineral at nutrisyon upang tayo ay maging malusog at malayo sa sakit.
- Mura lamang ang gulay kumpara sa karne at isda. Kung kapos ka sa badyet, makakatulong ang paghalo ng gulay sa lulutuing isda o karne. Nakamura ka na, may sustansiya ka pa!
MGA HALIMBAWA NG GULAY NA MADALING MAKITA RITO SA PILIPINAS NA MAYAMAN SA BITAMINA AT MINERAL
- Malunggay
- Camote tops
- Talbos ng kamote
- Kalabasa
- Talbos ng kangkong
- Petsay
- Talong
- Okra
- Bataw
- Sitaw
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring buksan ang:
https://brainly.ph/question/553878
#LetsStudy