Ang aspektong perpektibo ng kontrolin ay kinontrol. Ang aspektong imperpektibo naman ay kinokontrol. Ang aspektong kontemplatibo ng kontrolin ay kokontrolin. Ang aspektong perpektibo ay tumutukoy sa mga salitang kilos na tapos na gawin o isakatuparan samantalang ang aspektong imperpektibo ay tumutukoy naman sa mga salitang kilos na kasalukuyang ginagawa pa habang ang kontemplatibo ay tumutukoy sa mga salitang kilos na hindi pa naisasakatuparan o naisagawa man lang.