May apat na salik sa pagpapasya at mahalaga ang impluwensya ng pamilya sa mga ito.
1. IMPORMASYON
Ang mga magulang ay may kakayahan na magbigay kaalaman sa mga nakababata sa isang pamilya. Nararapat lamang na maturuan sila ng mga tamang bagay (facts), mapa-general knowledge man ito o mga moral values at ethics.
2. SITWASYON
Ang mga sitwsyon ay isang pagsubok. Ang mga gawi at kultura ng isang pamilya ay may malaking apekto sa mga ikinikilos ng isang nilalang. Ang mga anak ay laging natututo sa mga ginagawa ng mga magulang. Direkta man itong itinuturo o sa pamamagitan ng pag-oobserba.
3. MGA PAYO
Mahalaga ang impluwensya ng mga magulang lalo na ang mga payo dahil tumataktak ito sa kaisipan ng mga bata. Nadadala nito hanggang paglaki ang mga payo kaya't nakagagawa ito ng desisyon o pasya na umuugat mula sa mga habilin at pinapakitandaan sa kanila ng kanilang mga magulang.
4. PAGKAKATAON o OPORTUNIDAD
Matapos magkaroon ng hinulmang kaisipan, mga kaalaman at mga payo ng pamilya, ang mga oportunidad naman ang sasaklawin ng isang nilalang. Dito makikita kung kaniya bang ginagamit ang impluwensyang idinulot sa kanya sa kanyang paglaki kasama ang mga magulang. Ang mga resulta ng pagpapasya at pagsagawa ng napagpasyahan ay tinatawag na indikasyon ng impluwensya ng pamilya.