Kilala ang mga taga-Egypt sa pagpapahalaga sa
kamatayan ng tao. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami higit nilang
pinahahalagahan ang buhay, kaya maging sa kamatayan ay nais nila itong
ipagpatuloy. Ang katibayan sa paniniwalang ito ay ang mga sinaunang tulang
nakuha sa mga kuweba ng Egypt. Ang paksa at tema ng mga ito ay pawang tungkol
sa kanilang pagpapahalaga sa karaniwang pamumuhay ng mga tao.
Ang tulang ito
ay nagpapakita kung paano naghahangad ng simpleng uri ng pamumuhay ang
mga taga Egypt na namumuhay sa sopistikadong henerasyon.
Ito ay
tungkol sa isang ligaw gansa na kumagat sa pain at umiyak nang ito
ay nahuli sa bitag. Ito ay maihahalintulad sa taong uhaw sa pag-ibig
at nang makakta ng pagkakataon ay agad sumunggab ngunit huli na ng malaman na
ang pag-ibig pala ay pinagsamang sarap at hirap. Ang pain na
binanggit dito ay ang mga masasayang sandali ng pag-ibig. Ito ay nagiging pain
upang tuluyang mahulog sa pag-ibig, lingid sa kaalaman mo na ang pag-ibig ay
pinaghalong masakit at matamis na karanasan.