Malawak ang Tsina at tinagurian itong
bansa ng mga ilog at kabundukan na siyang pangunahing dahilan ng pagkakaiba-iba
ng mga Tsino. Sa ilog-lambak nito, lalo na ang makasaysayang Huang Ho sa hilaga
at ang ilog Yangtze umusbong ang sinaunang kabihasnan ng mga Tsino. Umusbong
ang pilosopiyang Tsino sa panahon ng Dinastiyang Chou. Pangunahing pantas na
kinilala sina Confucius, Lao-Tze, Mencius, at Mo Tzu. Sa mga ambag ng sinaunang
kabihasnang Tsino, nangunguna ang Great Wall of China, sistema ng
irigasyon, serbisyo sibil, pilosopiyang Confucianism at Taoism, ang
sistema ng sericulture at seda, agrikultura, literatura, at istruktura
ng pamahalaang imperyo.
Masasabi na pinakapundasyon ng
sinaunang kabihasnan ang dinastiyang Shang at
Chou. Dito nalinang ang kultura ng mga Tsino. Sa Shang pinanday
ang kanilang kaisipan. Nahubog ng Confucianismo at Taosimo ang katauhan ng mga
Tsino. Tinangka itong burahin ng dinastiyang Ch’in subalit nag-ugat na ito nang
malalim sa mga Tsino at walang sinumang makabubura nito sa kanilang pagkatao.
Hindi na mabibilang ang mga sumunod na dinastiya, subalit naging pamantayan
nito ang mga naunang dinastiya.