Ano ang sinematograpiya?


Sagot :

Answer:

Elemento ng Pelikula

Ang mga pelikulang inilalabas ng mg prodyuser na siya namang ipinapalabas sa mga sinehan ay dumaan sa mahabang proseso upang mabuo. May mga elemento na dapat isaalang-alang upang makabuo ng isang magandang pelikula. Ang mga sumusunod ay ang mga elemento na binibigyang pansin upang makabuo ng isang pelikula:

  • Sequence script
  • Tunog at Musika
  • Pananaliksik o riserts
  • Disenyong Pamproduksyon
  • Pagdidirehe
  • Pag-eedit
  • Sinematograpiya

Ano ang sinematograpiya?

Ang sinematograpiya ay isang elemento ng pelikula na tumutukoy sa wastong pagkuha ng anggulo sa isang pangyayari o eksena sa isang pelikula upang maipakita ng maayos sa mga manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. Maliban sa pag-iilaw, nakakatulong din ang galaw, teknik ng kamera at komposisyon.

Sa pamamagitan ng pag-eedit ay nagagawa sa malikhaing paraan ang pagpapakitid o pagpapalawak sa oras, kalwakan, at galaw.

Ano ang tawag sa taong nasa linya ng sinematograpiya?

Ang taong hasa sa larangan ng sinematograpiya ay tinatawag na cinematographer. Ang cinematographer na tinatawag din na Director of Photography ay ang pangunahing tao na nakatoka sa mga camera at light crews na nagtatrabaho sa pelikula maging sa mga TV productions at iba pang live action piece. Sa kanya iniaatas ang mga angkop na ilaw at anggulo sa bawat eksena sa isang pelikula upang mahusay at epektibong napapalutang ang mga eksena para sa mga manonood. Ang cinematographer din ang may kakahayang mapaganda ang kalidad ng larawan sa isang eksena.

Paano maging isang Cinematographer?

Para maging isang ganap na cinematographer ay kailangan makapagtapos muna ng isang bachelor's degree sa pagiging isang cinematographer. Ngunit sa panahon ngayon, lalong-lalo na sa patuloy na paglulunsad ng TESDA ng mga bagong associate's degree program ay maaari ng makapag enrol sa ganitong mga programa na kung saan ay itinuturo ang mga basics, halimbawa ang basics ng lighting at camera techniques sa sinematograpiya.

#LearnWithBrainly

------------------

Karagdagang Impormasyon ay makukuha sa mga links na ito:

Halimbawa ng Sinematograpiya

https://brainly.ph/question/2027203

Mga elemento ng pelikula

https://brainly.ph/question/505372

Kahalagahan ng Pelikula

https://brainly.ph/question/1818511