Ano ang kahulugan ng mga ito:
Emansipasyon-
Nabibilang sa daigdig-
Ikahon ako-
Lumuwag and tali-
Bagong panahon-





Sagot :

Ang emansipasyon ay pinakaasam-asam na panahon ng mga babaeng India kung saan hindi na magiging kontrolado ng mga katutubong paniniwala ang mga kababaihan at magiging malaya na silang gawin ang kanilang gusto.
Ang nabibilang sa daigdig ay tumutukoy sa pagiging bahagi o parte ng lipunan o daigdig.
Ang ikahon ako ay ang pagbibilanggo ng mga kababaihan at kawalang karapatan nitong makisali o makisalamuha sa iba pang tao sa lipunan.
Ang lumuwag ang tali ay tumutukoy sa unti-unting pagbibigay ng karapatan sa kababaihan o ang hindi na masyadong paghihigpit o pagkokontrol sa mga kababaihan.
Ang bagong panahon ay tumutukoy sa kasalukuyang panahon kung saan patas na ang antas ng lalaki at babae sa lipunan.