Ano ang kahulugan ng tulang republika ng basahan ni Teodoro agoncillo

Sagot :

Ito ay tungkol sa  hindi tunay na pagkamit ng kalayaan ng isang bansang Republika. Pinag-uusapan din ang kasarinlang hindi nila masarili. Ito ay isang tulang may pagkagalit ang emosyon o damdamin ng may-akda. Binibigyang-diin niya dito na ang bansa ay hindi tunay na malaya. Inilalarawan din ng may-akda na ang  buhay ng mga mamamayan sa bansa ay  walang patid na hibla ng pagtataksil sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan nilang dumarating.