ano ang ibig sabihin ng kuro kuro

Sagot :

Ibig sabihin ng kuro kuro

Ang ibig sabihin ng kuro kuro ay hinuha o pagbibigay ideya sa posibilidad na kalalabasan ng isang pag-aaral o pangyayari.

Ang pagbibigay interpretasyon o kuro kuro ay mahalagang taglayin ng bawat indibidwal sapagkat ito ay nagpapakita ng malalim na pag-iisip tungkol sa mga nangyayari o posibilidad na mangyari sa paligid.

Mga dahilan kung bakit nagbibigay ng kuro kuro ang isang tao

  • Upang magbigay ng pahayag sa posibilidad na pangyayari sa isang sitwasyon o bagay
  • Makapag-isip ng mga hakbang batay sa mga kuro kuro na mapaunlad ang sariling pananaw.
  • Makapagbigay ng matalinong pahayag ukol sa kasalukuyang pananaliksik na ginagawa.

Layunin ng pagbibigay ng kuro kuro

  • Pangunahing layunin nito na mapatalas ang isip ng bawat tao sapagkat sa pagbibigay ng mga impormasyon at pahayag ay nahahasa ang isip.
  • Tulungan ang tao na makapagbigay ng tamang ideya ukol sa isang sitwasyon.
  • Gumawa ng gabay o hakbang sa pag-abot ng mga layunin sa pamamagitan ng isang matalinong kuro kuro.

Mga pangungusap gamit ang salitang kuro-kuro

  • Nagbigay ng kuro kuro ang mga dalubhasa tungkol sa pagputok ng Bulkang Taal.
  • Ang kuro kuro na bumabagabag sa isip ng ina ni Luisa ay nabigyang linaw ng magbigay pahayag ang isa sa mga kapit-bahay ng mga ito.
  • Lubhang nalungkot ang pamayanan sa kuro kurong sinambit ng pangulo ukol sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.
  • Nagsagawa ng pagpupulong ang isang grupo ng dalubhasaan sa Pilipinas upang magbigay ng kuro kuro sa kinahaharap na krisis ng mga Pilipinong mag-aaral.

Para sa karagdagang impormasyon maaring magtungo sa link na nasa ibaba:

https://brainly.ph/question/540897

https://brainly.ph/question/1388619

https://brainly.ph/question/2278378

#LearnWithBrainly