mga ambag ng imperyong maurya

Sagot :


          Noong 322 B.C.E., nasakop ni Chandragupta Maurya ang dating kaharian ng Magadha at tinungo ang mga naiwang lupain ni Alexander. Sakop ng imperyo ang hilagang India at bahagi ng kasalukuyang Afghanistan.
         Ang kabisera ay nanatili sa Pataliputra.Tagapayo ni Chandragupta Maurya si Kautilya, ang mayakda ng Arthasastra. Naglalaman ito ng mgakaisipan hinggil sa pangangasiwa  at estratehiyang politikal. Ang imperyo ay pinamunuan ni Ashoka o Asoka (269-232B.C.E.) ang kinikilalang pinakamahusay na pinunong Maurya at isa sa mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig.

.          Sa ilalim ni Chandragupta at mga kahalili nito, ang panloob at panlabas na kalakalan, mga gawaing agrikultura at ekonomiko ay lahat yumabong at lumawak sa ibayong India dahil sa pagkakalikha ng isa at maiging sistema ng pinansiya, pamamahala at seguridad.
           Matapos ang kaniyang madugong pakikibaka sa mga kalinga ng Orissa noong 261 B.C.E. na tinatayang 100,000 katao ang nasawi, tinalikdan niya ang karahasan at sinunod ang mga turo ni Buddha.