Ang perpektibong antas ng ipaubaya ay ipinaubaya. Ibig sabihin ang pagpapaubaya ay tapos na o ang kilos ay naganap o nagdaan na. Ang perpektibong aspekto ng pandiwa ay ang tawag sa mga salitang-kilos na naganap na, o nangyari na o tapos na. Katulad ng halimbawa sa itaas, ang salitang ipaubaya ay nasa aspektong pawatas o hindi pa nababanghay ngunit kapag tapos na ang pagpapaubaya, ang ipaubaya ay nagiging ipinaubaya. Kapag ang pandiwang perpektibo ay ginagamit sa pangungusap karaniwang mayroon pang-abay na pamanahon na nagsasabing tapos na ang salitang kilos.