1. Basahin ang mga pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan. 1. Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos. A. Pagsusuring personal o pagsusuri ng sarili B. Pagbibigay ng desisyon o pasya C. Pagharap sa katotohanan D. Mapanuring pag-iisip 2. Ito ay ang kakayahang ng taong gamitin ang kanyang isipan sa organisado at makatwirang paraan batay sa mga ebidensya upang higit na maunawaan ang kaugnayan ng mga bagay, impormasyon at pangyayari sa isa't isa na makatutulong sa pagbuo ng isang konklusyon o desisyon. A. Pagsusuring personal o pagsusuri ng sarili B. Pagbibigay ng desisyon o pasya C. Pagharap sa katotohanan D. Mapanuring pag-iisip 3. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa: A. Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba B. May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan C. Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon D. Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon 4. Ano ang isa sa pinakamahalagang resulta ng pagsusuri ng sarili at pagkilala sa sarili? A. pagkakaroon ka ng tiwala sa iyong sarili at sa iyong mga ginagawa B. nakikilala ang uri ng kaibigan mo C. pagkakaroon ng maraming kaibigan D. pagkilala sa mga taong nakapaligid sa iyo 5. Paano ka magsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari? A. Humanap ng tahimik na lugar. B. Tumawag ka ng kalaro. C. Tanungin ang kasama sa bahay. D. Humarap ka sa salamin.