Ang teorya ng land bridge o tulay na lupa ay isa sa mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga Pilipino. Pinaniniwalaan na naging mahalaga ang papel ng mga tulay na lupa sa pagdating ng mga unang tao sa ating kapuluan. Ito ay nagsilbing daanan ng mga mamamayan at kalakal.
Ayon sa mga siyentipiko, ang mga pulo ng Pilipinas ay dating magkakarugtong sa isa’t isa, kasama na rin ang ibang bansa sa Timog Silangang Asya. Dahil sa pagkatunaw ng yelo sa ibang bahagi ng mundo, tumaas ang lebel ng tubig sa dagat na naging dahilan ng paglubog ng mabababang parte ng lupa kabilang na ang mga land bridges, dahilan upang ang ating bansa ay mapahiwalay sa ibang bahagi ng Asya.