pagkakaiba ng kamangmangang madaraig at kamangmangang di madaraig gamit ang isang halimbawa

Sagot :

Kamangmangang madaraig o vincible ignorance ay ang kamangmangan kung saan ang isang tao ay gumawa ng pamaraan upang malampasan ito. Ang  pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral.

Halimbawa:
 Lumapit sa iyo ang iyong nakababatang kapatid at dumaing dahil sa sobrang sakit ng kaniyang tiyan. Kitang-kita mo sa mukha nito ang labis na paghihirap. Binuksan mo ang lalagyan niya ng gamot at iba’t ibang gamot ang naroon. Hindi ka tiyak kung alin sa mga ito ang gamot para sa sakit ng kaniyang tiyan. Ano ang iyong gagawin? Kung pag-iisipang mabuti, hindi nararapat napainumin ng gamot ang iyong kapatid dahil hindi ka tiyak sa kung ano ang ipaiinom sa kaniya. Kung magpapadalos-dalos sa pasiya sa pagkakataong ito, maaaring maging mapanganib ito sa iyong kapatid. Kung kaya hindi nararapat ipainom ang gamot kung walang katiyakan.


Ang Kamangmangan na di madaraig o invincible ignorance naman ay ang kamangmangan kung saan ang tao ay walang magawang pamaraan upang malampasan ito. Ito ang uri ng kamangmangan na bumabawas o tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kaniyang kilos o pasiya.


Halimbawa:
Nagbigay ka ng pera sa isang batang namamalimos sa kalye dahil labis ang awa na iyong naramdaman para sa kaniya. Nakaramdam ka ng gaan ng pakiramdam dahil sa iyong pagtulong. Nalaman mo paglipas ng ilang araw na sila ang mga bata na namamalimos upang ipambili ng rugby. Maaaring makaramdam ka ng panandaliang pagsisisi dahilnaiisip mo na nagbigay ka upang maipambili nila ng rugby; ngunit hindi maituturing na masama ang iyong kilos dahil wala ka namang kaalaman dito noong nagbigay ka ng pera. Mag-iiba ang sitwasyon kung ipagpapatuloy mo ang pagbibigay ng pera sa kanila sa kabila ng pagkakaroon ng kaalaman. Kung talagang nais na makatulong, maaaring magbigay na lamang ng pagkain sa halip na pera sa kanila.