Ang Tinig ng Ligaw na Gansa ay isang pabula na
isinulat sa porma ng isang tulang may malayang taludturan. Ito ay tungkol sa isang
ligaw gansa na kumagat sa pain at umiyak nang ito ay nahuli sa bitag.
Ito ay maihahalintulad sa taong uhaw sa pag-ibig at nang makakta ng
pagkakataon ay agad sumunggab ngunit huli na ng malaman na ang pag-ibig pala ay
pinagsamang sarap at hirap. Ang pain na binanggit dito ay ang mga masasayang sandali ng pag-ibig. Ito ay nagiging pain upang tuluyang mahulog sa pag-ibig, lingid sa kaalaman mo na ang pag-ibig ay pinaghalong masakit at matamis na karanasan.