Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagsusun ng Larawan. Nakahanay ang iba't ibang larawan na nagpapakita ng ugnayan ng tao at ng kalikasan. Pansinin at suriin ang bawat isa. Pagkatapos ay sagutan ang pamprosesong mga tanong. Slash Ivan Calihing Pamprosesong Tanong 1. Ano-anong uri ng likas na yaman ang nakikita mo sa larawan? Paano ito nililinang ng mga tao? 2. Ano-ano ang mabuti at di-mabuting naidudulot ng paglinang ng ating kapaligiran? Sa anong mga pagkakataon ito nangyayari? 3. Karamihan ba sa ating mga pangangailangan ay natutugunan ng ating mga likas na yaman? Patunayan. 4. Sa iyong palagay ano sa tingin mo ang mainam na solusyon kung paano matutugunan ng likas na yaman ng isang bansa ang lumalaking dami ng populasyon nito gayong ang lupa naman ay hindi lumalawak? 5. Paano makatutulong sa pag-unlad ng kabihasnang Asyano ang mabuting paggamit ng mga likas na yaman ng Asya?​