C. Basahin at unawain ang kuwento. Bagong Bahay. Bagong Pag-asal ni: Janice D. Reyes Masayang-masayang tinitingnan nina Xander at Janna ang bago nilang nilipatang bahay sa Malolos, Bulacan. Malayong-malayo kasi ito sa pinanggalingan nilang barong-barong sa tabi ng malaking estero sa Marikina. Wala sila nitong nakikitang mga basura at walang masamang amoy sa kanilang paligid. Sa halip ay may maliit pa silang bakuran sa harap at likod ng kanilang bagong bahay. Pwede silang magtanim ng mga gulay at halamang namumulaklak. Kahit na maliit ang kanilang bagong bahay ay malinis at maayos ito. At ang pinakamahalaga ay sa kanila na ito. Maraming planong gawin sina Xander at Janna sa kanilang bahay at bakuran. Sila ay kabilang na sa mga pamilyang may magandang hinaharap at may maayos na tinatahak. Nakakatuwa pa dahil tulong-tulong ang mga tao sa pook na ito. Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa kwaderno 11. Bakit masayang-masaya sina Xander at Janna sa bago nilang nilipatan? A. mas marami silang kapit-bahay rito B. mas maraming tao rito kaysa sa pinanggalingang lugar​