Gawain 4: Ipahayag mo Panuto: Sumasagisag ang larawan sa Gawain 3 ng dapat nating gawin upang maging mas makabuluhan ang gawaing pagbabasa at pagbibigay ng hatol o pagmamatuwid. Ngayon, basahin ang ilang sipi na nasa ibaba na mula sa kuwento. Nagtataglay ito ng mga ideya. Suriin ang mga ideyang ito at isulat sa angkop na kahon sa ibaba. Gamiting gabay ang tanong sa ibaba sa pagbibigay ng ideya. Ano ang masasabi mo sa kaisipang mula sa isang maikling kuwento? maikling ideya Kaisipan Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.​