Answer:
Ang maaaring maging epekto sa sarili, pamilya, pamayanan, at bansa ang malabong paghahatid ng mensahe ay ang kalituhan.
Kung hindi mabisa at maayos ang pagbibigay ng mensahe at impormasyon sa mga mamamayan, hindi magkakaroon nang maayos na ugnayan ang bawat isa.
Iba-iba at may kalituhan ang pag-unawa nila sa mahahalagang bagay na kabilang sa kanilang pagkamamayan.
Dahil dito, mas malaki ang pagkakataon na nagkakaroon ng katiwalian o panloloko sa mga nasasakupan. Kung ganito ang kalagayan, mas malaki ang tsansa na mawawalan ng iba’t ibang serbisyo na para naman dapat sa mga mamamayan. Malabo rin ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagkilos na may iisang misyon.