Sagot :
Si Daruis the Great ay naging hari noong 521 BC/522 BC. Pinasimulan niya ang
paggamit ng mga gintong kuwalta at pinaunlad ang kalakalan sa loob at labas ng
imperyo. Marami rin siyang itinayong mga templo sa Ehipto.Siya ang
pinakaunang Oryental o Taga-Silangang mananakop na nakapagpaabot ng kaniyang
imperyo sa Europa. Ginawa niyang isang magiting at makapangyarihang
hukbong-pandagat sa Asya ang Persiya. Sinimulan at pinaunlad niya ang paggamit
ng mga kuwaltang metal at pinagpare-pareho ang mga ito. Pinasimulan din niya
ang regular na pangungolekta ng buwis, sistema ng mga daan, at maging ang
sistema ng pagpapadala ng mga liham.
Pinamahalaan ni Darius ang isang imperyo na umaabot mula sa Ilog Indus magpahanggang Dagat Aegean, kabilang ang Ehipto at Babilonya. Bilang paghahambing, hindi nakapaghari ng ganitong kalawak ang Asiria. Itinuturing na pinakamalaking imperyo na napagmasdan ng mundo ang Imperyo ng Persiya; bukod sa Ehipto at Babilonia, nasasakupan din nito ang Turkiya, Israel, Hordan, Lebanon, Siria, Irak, Apganistan, at bahagi ng Hilagang Pakistan.