Ang mga pigurin na natagpuan sa Catal Huyuk ay isang malinaw na pahiwatig na ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sariling sining tulad ng paglililok kahit hindi pa sila naimpluwensiyahan ng mga dayuhang mananakop. Ang mga piguring ito ay maaari ding nagpapahayag ng matinding paniniwala ng mga sinaunang tao sa mga anito at iba pang makapangyarihang nilalang sa kalikasan na kanilang pinaniniwalaang may kinalaman sa mga pangyayari sa kapaligiran. Ito ay isa ring malinaw na paliwanag na dati pa man gumagamit na ng iba't ibang bagay ang mga tao upang sumimbolo sa kung anuman ang gusto nilang iparating sa ibang tao.