Ang pag-uugali na ipinapakita ni Mathilde ilang pangunahing tauhan sa kwentong "Ang Kwintas" ay may sinasabi tungkol sa kultura at katangian ng kababaihan sa France.
Ang Paris ay kilala sa
matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France ay kilala sa hindi
matatawarang mariringal na pananamit. Karamihan sa kanila ay sopistikado kung
manamit, disente at sunod sa uso (professional and fashionable style), ngunit
hindi sobra sa dekorasyon (overly fussy). Ang karaniwang damit nila ay mahahabang
amerikana, terno, mga bandana (scarves) at berets o bilog at malalambot na
sombrero.Tulad ni Mathilde, gustong-gusto niyang magkaroon ng mga magagarang
bestida.