ano ang ibig sabihin ng nanghinamad

Sagot :

Ang nanghinamad ay isang pandiwa kung saan makikita na ang isang taong matagal na nagtatrabaho sa isang gawain ay dahan-dahang nag-iinat upang makapahinga mula sa mga gawain kahit sandali lang. Nanghinamad din ang isang tao kapag tinatalaban na ito ng katamaran mula sa paulit-ulit at walang katapusang trabaho. Ang pag-iinat o panghinamad ay isang mabisang ehersisyo upang malaman kung mayroon bang mga ugat sa katawan na naipit o hindi na nakapagtrabaho ng maayos dahil kinulang sa dugo dulot ng matagal na pananatili sa iisang puwesto o posisyon habang nagtatrabaho.