Ano ang kahulugan ng kahabag-habag

Sagot :

Kahulugan ng Kahabag-habag

Ang salitang kahabag-habag ay isang pang-uri na nag mula sa salitang ugat na habag na nangangahulugang "awa". Sa salitang ingles isinasalin ito sa mga salitang  pitiful, miserable, piteous. Ginagamit ang salitang ito bilang pagpapakita ng nadarama o paglalarawan sa isang bagay, tao o pangyayari.

Kasingkahulugan ng Kahabag-habag

Narito ang mga kasingkahulugan ng salitang  kahabag-habag:

  • kaawa-awa
  • kawawa
  • kalunos-lunos

Halimbawa sa Pangungusap

  1. Kahabag-habag ang mga pangyayari sa Marawi City.
  2. Tinulungan sila ng mga nagboluntaryo dahil kahabag-habag ang sinapit nila sa kalamidad.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kahulugan ng Kahabag-habag, Ano ang kahulugan ng kahabag-habag, tingnan ang mga sumusunod:

  • https://brainly.ph/question/184710
  • https://brainly.ph/question/283341
  • https://brainly.ph/question/516228