paraan ng pamamahala ng Indonesia at pilipinas


Sagot :

Maayos ang sistema at paraan ng pamamahala sa Pilipinas at Indonesia. Ang dalawang bansang ito ay isang republika. Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang mga mamamayan ay may kapangyarihang magdesisyon ng kung sinuman ang mamumuno sa kanilang bansa. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagboto ng karapat-dapat na mamamahala sa bansa o sa mga lalawigan sa bansa. Ngunit ang mga nanalong kandidato ay magsisilbing kinatawan lamang ng mga taong bayan na siyang naglagay sa kanila sa posisyon. Ang Pilipinas at Indonesia ay mayroong Presidensiyal na uri ng Republika sapagkat ang Presidente ang kanilang itinatalagang pinaka-pinuno.