(Moral rules) ng isang huwarang kabataan pandaigdig

Sagot :

Moral Rules ng isang huwarang kabataang pandaigdig

  1.    Ang huwarang kabataan ay dapat maka diyos.
  2.    Ang huwarang kabataan ay dapat marunong gumalang sa mga magulang.
  3.    Ang huwarang kabataan dapat ay makabayan.
  4.    Ang huwarang kabataan ay dapat makakalikasan.
  5.    Ang huwarang kabataan ay dapat may pagrespeto sa kapwa.
  6.    Ang huwarang kabataan ay dapat palakaibigan.  

  •    Maka Diyos  

Ang isang kabataan na maka diyos at may takot sa diyos ay nangangahulugan na siya dapat na maging huwaran sapagkat alam mo siya ay laging gagawa ng mga bagay na alam niyang kalugod lugod sa panginoon.

  •   May paggalang sa mga magulang

Ang huwarang kabataan ay dapat may pag galang , respeto at pagmamahal sa kanyang mga magulang. Upang siya ay tularan ng iba pang kabataan, dahil sa panahon ngayon marami narin sa ating mga kabataan ang walang respeto sa mga magulang hindi na sinusunod ang mga payo ng mga magulang bagkus ang kanilang mga sariling kagustohan na ang sinusunod.

  •    Makabayan

Ang huwarang kabataan ay dapat nagtataglay ng pagiging makabayan, may pagmamahal sa kanyang sariling bayan,may malasakit sa bayan. upang pagdating ng araw siya ang makatulong sa pag unlad ng kanyang bayan.

  •    Makakalikasan

Ang huwarang kabataan ay dapat makakalikasan. Bilang bata malaki rin ang maitutulong niya sa kalikasan upang ito ay mapangalagaan, tulad ng paghikayat niya sa iba pang mga kabataan upang gumawa ng mga programa upang makatulong sa mas maayos at malinis na kapaligiran.dahil silang mga kabataan din ang magtatamasa nito pagdating ng araw.

  •    May respeto sa kapwa

Ang huwarang kabataan ay dapat may respeto sa kanyang kapwa, marunong rumespeto sa mga nais ng iba,marunong rumespeto lalo na sa mga matatanda,ang pagmamano at paggamit ng po at opo ay dapat na marinig sa kanya upang siya ay tularan ng nakararami,dahil sa panahon ngayon mukhang nakakalimutan na ito ng iba.

  •   Palakaibigan

Ang huwarang kabataan ay dapat palakaibigan, marunong makisalamuha sa iba,marunong magbahagi ng kanyang mga kaalaman sa iba,upang ito ay mapakinabangan din ng iba. marunong tumulong kung paano ang kakayahan ng isa ay mapalago,dapat marunong magbigay,gayon din dapat ay marunong magpahalaga kahit sa maliit na bagay.

Para maging isang huwaran kang kabataan ay hindi lang basehan ang taglay mong talino at mga akademikong kaalaman bagkus dapat taglay mo rin ang mga kabutihang asal,dahil aanhin mo ang mga medalya at ibat-ibang parangal kung hindi mo naman taglay ang mga kabutihang asal, mas masarap paring makapag bahagi ka ng kaalaman sa kapuwa mo kabataan ng sa gayon ikaw ay makatulong sa kanila kahit sa munting paraan.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

essay sa huwarang kabataan brainly.ph/question/149754

tutunin ng isang batang huwaran brainly.ph/question/171958

mga dapat taglayin ng isang kabataan ttps://brainly.ph/question/402333