Ano ang ibig iparating ng bayani ng bukid?

Sagot :

Ang ibig iparating ng tulang pinamagatang "Bayani ng Bukid" ay ang pang-araw-araw na pakikipagsapalaran ng isang magsasaka sa bukid. Mula umaga hanggang gabi ang ginawang pag-aalaga ng isang magsasaka sa kanyang mga pananim sapagkat sila ang pinagkukunan ng mga pagkain ng lahat ng mamamayan maging dukha man o mayaman. Ipinapakita sa tula na kahit umulan man o uminit ay patuloy pa rin ang gawain ng isang magsasaka upang alagaan ang mga pananim. Ang paghihirap ng isang magsasaka ay para sa kabutihang panlahat upang may mailagay na pagkain sa bawat mesa ng pamilyang Pilipino.