Sagot :
Mitolohiya ng Griyego
Kapag usapang mitolohiya, ang mga Griyego ang isa sa nangunguna dito. Maliban sa naging maimpluwensyang kaharian ito noong sinaunang panahon, ang mga Griyego ay mayroon paganong pagsamba kung kaya nagkaroon sila ng panitikan na para sa kanilang mga diyos-diyosan. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod:
- Ang Odisea
- Icarus
- Pandora
- Eros at Psyche
- Digmaang Troya
Ang Odisea (Myth of the legendary Odysseus)
Inabot ng sampung taon si Odiseo bago muling marating ang Ithaca makatapos ang sampung-taong Digmaang Trohano. Sa panahong wala si Odiseo, kinailangang harapin ng kaniyang anak na si Telemachus (o Telemaco) at ng asawang si Penelope ang isang pangkat ng mga walang-galang na mga manliligaw, ang mga Proci, na nagpapaligsahan upang makamit ang kamay ni Penelope at mapakasal sa isa sa kanila, dahil maraming naniniwalang namatay na si Odiseo.
Icarus
Ang pangunahing kuwento na nagsasalaysay ng hinggil kay Icarus ay ang kaniyang pagtatangka na tumakas magmula sa Creta sa pamamagitan ng mga pakpak na binuo ng kaniyang ama magmula sa mga balahibo at pagkit. Binalewala niya ang mga tagubilin na huwag lumipad nang napakalapit sa araw, kung kaya't ang natutunaw na pagkit ay nagdulot sa kaniya na bumagsak sa dagat kung saan nalunod siya.
Pandora
Binigyan si Pandora ni Zeus ng isang ginintuang kahon (malaking taguan o imbakang garapon o pithos at inutusang huwag itong bubuksan. Subalit dahil sa kagustuhan ni Pandorang malaman kung ano ang laman ng kahon, sinilip niya ng isang ulit ang loob nito. Dahil dito, nakawala ang lahat ng mga uri ng kasamaan palabas sa paligid ng mundo. Ngunit nagawa niyang maipinid ang takip ng kahon upang masagip ang pag-asa, ang nag-iisang mabuting bagay na natirang nakapaloob sa kahon ni Pandora.
Mayroong pang higit na impormasyon sa mga link sa ibaba: "Mga Karagdagang Links"
Eros at Psyche
Ito ay tungkol sa inggit ni Venus kay Psyche at pag-ibig ng anak niyang si Eros dito. Makikita ang impluwenysya nito sa panitikang Pilipino.
Mayroong pang higit na impormasyon sa mga link sa ibaba: "Mga Karagdagang Links"
Digmaang Troya
Si Zeus ay hindi naging matapat sa kanyang asawa at kapatid na si Hera at nagkaroon ng maraming mga relasyon na nagpanganak sa maraming mga anak. Dahil naniwala si Zeus na marami nang mga taong tumatahan sa mundo, kanyang naisip si Momus o Themis, na ginamit sa Digmaan ng Troya bilang paraan ng pag-ubos ng populasyon ng mundo lalo na ng kanyang mga inapong demi-diyos.
Impluwensya ng Mitolohiyang Griyego
Kung nais mong makaalam ng higit ng kanilang mitolohiya ng Griyego, hindi ka mawawalan ng mga paraan. Nariyan ang animation series, mga pelikula, mga nobela at maging sa mga sayaw at awitin. Isang mahusay sa bansang Gresya, nagawa nilang panatilihin ang kanilang panitikan sa pamamagitan ng teatro, maingay na literatura at pagtuturo sa mga dayuhan.
Mga Karagdagang Links
- Ano ang nais ilarawan ni Pandora? Magpunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/239705.
- Si Venus ay pamilyar sa buong mundo. Para malaman, magpunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/2159096
- Sino si Zeus? Alamin sa mga link na ito: https://brainly.ph/question/239705.