ang pagbibinyag sa savica

Sagot :

          Ang epikong Ang Pagbibinyag sa Savica ay isinulat ng makatang Slovene na si France Prešeren.
         Ito,ay may tatlong bahagi. Ang unang bahagi ng tula ay isang soneto, nakatutok  ito sa namatay na kaibigan Prešeren, kamakailan lamang na si Matija Čop. Ang ikalawang bahagi, ay pinangalanang Panimula (Uvod), na naglalarawan sa huling labanan sa pagitan ng mga Kristiyano at mga paganong  Slavs, na pinangunahan ng bayaning si Črtomir. Ito ay binubuo ng 25 na tigtatatlong linya at isang  apat na linyang taludtod at nakatutok sa mga tadhana ng isang bansa. Ang ikatlong bahagi ay pinangalanang pagbibinyag (Krst). Ito ay tungkol sa mga romantikong relasyon sa pagitan ni Črtomir at Bogomila, na naging pari ng diyosang  Ziva ngunit ngayon ay isang Kristiyano.  Hinimok din niya si  Črtomir na magpabaustismo. 
         Ito ay binubuo ng 53 ottava Rimas na may mababang karakter ng isang epiko dahil ito ay nakatuon sa damdamin at ng mga tadhana ng isang indibidwal. Ang epikong ito ay naglalaman ng tema ng pagkakakilanlan Slovene sa konteksto ng pagbabalik-loob sa Kristiyanismo.