Ang mga kabataan ang sinasabing pag-asa ng bayan kaya't upang magampanan ang ganito kataas na pagtingin ng lipunan sa ating mga kabataan ay kailangang mayroon silang tiyak at konkretong moral rules na susundin. Kailangang ang ating mga kabataan ay umiwas sa lahat ng uri ng bisyo gaya ng paninigarilyo, labis na pag-inom ng alak, pagsusugal, pagdo-droga at iba pa upang maiwasang masira ang kanilang mga kinabukasan. Kinakailangan ding magkaroon ng matibay na paniniwala at takot sa Diyos upang mas makagawa ito ng kabutihan at kadakilaan sa kapwa. Ang taos-pusong pagmamahal ay isang mahalagang moral value na dapat taglayin ng isang mabuting bata.