Anu­ano ang mga epekto ng bagyo at baha?  

Sagot :

Marami ang epekto nito hindi lang sa kabuhayan ng mga tao, kundi maging sa likas na yaman, kalusugan at pangmalas ng isang tao.

 

Kapag bumagyo at nagkabaha, ang unang maapektuhan ay ang mga tao kasama na rito ang kabuhayan nila.  Masisira ang mga pananim o mamamatay ang mga alagang hayop.  Ang mga isda sa palaisdaan ay makakawala.  Hindi makakapasok sa trabaho ang mga empleyado.

 

Sa likas na yaman, mahihirapan nang maka-recover ang mga ito sa paglipas ng taon.  Lalambot ang mga lupain hanggang sa tuluyan na itong gumuho at magkaroon ng mga malalaking landslide.  Mamatay ang mga maliliit na puno sa kagubatan, pati mga hayop, insekto at mikrobyo ay lilikas sa mga kabahayan.

 

Sa kalusugan, marami ang magkakasakit sa mga panahong may bagyo at baha.  Mahirap kasi ang magluto at umigib ng malinis na maiinom.  Mahirap kumilos sa mga panahong ito lalo na kapag mayroong kailangang isugod sa ospital.  Hindi masaya ang mga tao.  At ang masaklap, matagalang trauma at stress ang naidudulot nito sa mga tao.