Moral rules para sa mga kabataan ?

Sagot :

Ang mga kabataan katulad ng ibang mga tao sa daigdig ay nangangailangan ng wastong gabay at patnubay sa pagtahak ng tamang landas o daan sa buhay. Ilan sa mga moral rules ay ang pagiging magalang at masunuring bata sa mga magulang at matatanda. Ang isang mabuting bata ay iniiwasan ang lahat ng uri ng bisyo gaya ng droga, alak, sugal at marami pang iba. Nararapat lamang na ang mga kabataan ay turuan ng tamang pagpapahalaga sa buhay upang magkaroon sila ng takot na kitilin ang mga sariling buhay. Ang pagkakaroon ng taos pusong pagmamahal at takot sa Diyos ay napakahalaga upang matutunang maging mabuting tao ng isang bata ngayon.