Ang pagpapalaki ng tangili ay madali lamang gawin kapag sinunod ang mga kailangan para magpalago at magpayabong ng ganitong uri ng punongkahoy. Ang tangili ay isa sa maraming mga punongkahoy na matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Luzon, ng Mindano, Bukidnon at Agusan. Kinakailangan ng tangili ang makakapal na uri ng lupa dahil sadyang lumalaki ang mga ugat nito at upang maiwasan ang pagtumba ng kahoy. Dapat ay medyo basa din ang lupang pinagtataniman ng tangili upang mabuhay at lumaki ito. Ang direktangs sikat ng araw ang kailangan upang mas mapadali ang paglaki ng mga tangili lalung-lalo na ang katamtamang dami ng ulan.