mga lyrics ng tula o akrostik sa buwan ng nutrisyon


Sagot :

Ang tula ay isang uri ng panitikan kung saan naipapakita mo sa masining na paraan ang iyong ideya tungkol sa isang isyu.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba: 

Ang kalusugan ang natatanging kayamanan 
Na ng bawat isa ay dapat makamtan
At kailanman ay hinding -hindi mapapalitan
Dahil ito ang laging inaasam-asam

Tamang nutrisyon at ehersisyo ang natatanging sagot 
Upang tamang timbang ay madaling maabot
Laging alalahanin, na kapag timbang ang suliranin
Nutrisyon at ehersisyo ay huwag kalimutang suriin.

Mag-eehersisyo tuwing umaga
Igalaw ang katawan kahit nasa kama
Sadyang maganda ang simula
Kapag umaga ay masigla

Kumain sa tamang oras
Sabayan ng gulay at prutas
Upang kalusugan ay aangat
At hindi magmukhang nangangayayat