Ang giray kapag ginagamit bilang pang-abay ay tumutukoy sa pasuray-suray na paglakad ng isang tao na parang isang lasing. Sa kabilang banda ito ay tumutukoy din sa isang bahay na sirang-sira na at wala ng silbi. Ibig sabihin ang isang bagay ay malapit ng magiba o matumba kapag naihipan ng kahit konting hangin. Maari din itong mangangahulugang handog sa ibang lugar sa bansa depende kung paano ito ginamit. Samantalang kapag ang giray naman ay ginagamit bilang pang-uri, ito ay tumutukoy sa maliliit na ngipin-ngipin na matatagpuan sa gilid.