ano ang kahulugan ng masigasig

Sagot :

Ano ang kahulugan ng masigasig

Ang salitang masigasig ay may salitang ugat na sigasig na nangangahulugan ng tiyaga,sipag,sikap,sidha ,sigla. Kaya naman ang salitang masigasig ay nangangahulugan ng matiyaga,masipag,masikap at masigla ang pagpapakita ng pagsisikap upang matapos o matupad ang isang gawain o nais.  

Halimbawa sa pangungusap ng salitang masigasig upang maslubos itong maunawaan.

  1. Masigasig sa kanyang pag-aaral ang batang si Nilo sapagkat nais niyang maabot ang lahat ng kanyang mga pangarap para sa kanyang mga magulang.
  2. Masigasig sa pagtatrabaho ang isang ama, sapagkat marami siyang magagandang pangarap sa kaniyang pamilya nais niyang mapagtapos sa pag-aaral ang lahat ng kanyang anak.
  3. Masigasig sa pagahahanap-buhay si Ben sapagkat nais niyang makapag patayo ng isang magandang bahay para sa kanyang mga magulang.  
  4. Si Gemma ay masigasig na nag iinsayo araw-araw sapagkat nais niyang magwagi sa patimpalak na kanyang sasalihan.
  5. Masigasig na sinusuyo ni Larry ang dalagang si May dahil gusto niyang ipakita dito na tunay at wagas ang kanyang pag-ibig sa dalagang sinisinta.

Tayong mga Pilipino ay likas na mayroong ugaling masigasig,kaya nga saan mang lugar mapadpad ang isang Pilipino ay umaani tayo ng ibat-ibang papuri saan mang larangan. Dahil likas tayong masisipag,matiyaga at masisigla kaya naman ang mga nakakasalamuha natin ay humahanga sa atin na parang hindi tayo nakakaranas ng kapaguran sa ating mga ginagawa,isa iyan sa kaugaliang hinahangan sa tin ng mga banyaga.  

#BetterWithBrainly

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Kasingkahulugan at kasalungat ng masigasig https://brainly.ph/question/322811