paanong ang mabuting paggamit ng likas na yaman ay makatutulong sa pag unlad ng kabihasnang asyano

Sagot :

            Ang bawat salik nito gaya ng kapaligirang pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, vegetation cover), ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig, klima, at likas na yaman ng isang lugar ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang kultura at kabuhayan. Ang Asya ay nagtataglay ng samu’t-saring yamang mineral - mga metaliko, di-metaliko, at gas. Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Ang paggamit ng tao sa ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.