Ang Epiko ng Dagoy at Sudsud
ay epiko ng mga Tagbanua sa Palawan. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay na
pagkahaba-haba ngunit mayroong himig epiko. Kabilang ito sa mga panitikang
humubog o nagsasalaysay sa kasaysayan at kultura ng mga Tagbanua sa Palawan.
Iilan lamang ang Epiko ng Dagoy at Sudsud sa mga patunay na ang mga sinaunang
tao ay mayroon ng sariling porma at uri ng panitikan bago pa man dumating ang
mga mananakop at bago pa man tayo maimpluwensiyahan ng mga kulturang
kanluranin.