Sagot :
Answer:
Kapag ang butil ng kape, carrot, at itlog ay inilahok sa kumukulong tubig, iba iba ang nagiging reaksyon ng bawat isa. Sa katunayan, ang pahayag ay isang matalinghagang pahayag sapagkat upang ito ay maunwaan, kailangan itong gamitan ng masusing pang unawa at hindi lamang ito pagbabase sa literal na kahulugan.
Sinasalim nito ang mga sumusunod:
- Kumukulong tubig - pagsubok sa buhay
- Carrot, itlog, butil ng kape - mga uri ng tao
Interpretasyon
- Kapag ang carrot ay inilagay sa kumukulong tubig, ito ay nagiging malambot
- Kapag ang itlog ay inilagay sa kumukulong tubig, mula sa pagiging malambot ng loob, ito ay nagiging matigas
- Kapag ang butil ng kape ay inilagay sa kumukulong tubig, ito ay naglalabas ng napakabangong amoy
Pagpapalalim
Ang kumukulong tubig ay isang metaphor o paglalarawan sa mga pagsubok na nararanasan natin sa buhay. Ang carrot, itlog, at butil ng bigas ay sumasalamin sa iba't ibang uri ng tao at ang kanilang mga nagiging tugon sa mga hamon ng buhay. May mga pagkakataon na kapag may nararanasan tayong dagok ay nagbabago ang ating mga pagkatao.
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:
Simbolo ng kumukulong tubig
https://brainly.ph/question/802199
Kahulugan ng butil ng kape
https://brainly.ph/question/1605363
Paghahalintulad ng sarili sa carrot
https://brainly.ph/question/2252622