Ang kahulugan ng mapagdili-dili ay mapag-isip o mahilig mag-isip tungko sa mga bagay-bagay bago magdesisyon. Ito ay tumutukoy sa mga taong mahilig suriin at isipin ang mga desisyon sa buhay, paulit-ulit na tinitimbang ang bagay-bagay bago gawan ng hakbang o bago ipatupad. Ito ay karaniwang katangian ng isang taong "introvert" na kung saan mahilig mag-isip at kailangang bigyan ng mahabang panahon para pag-isipan ang mga proposisyon. Isa itong magandang katangian upang maiwasan ang mga malaking pagkakamali.