Ano ang pagkakaiba ng heograpiyang pantao sa heograpiyang pisikal?

Sagot :

sa pisikal : agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa kapaligiran; pinag-aaralan dito ang Klima, Heolohiya (Geology), Biolohiya (Biology) at iba pang sangay ng agham-pangkalikasan.

pantao : ito ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Pinag-aaralan dito ang relihiyon, wika, medisina, ekonomiya, politika, mga lungsod,populasyon, kultura at iba pa.