Ang huwarang kabataang pandaigdig ay mayroong sinusunod na mga tuntunin upang manatiling huwaran sa paningin ng lipunan. Sila ay dapat may mataas na pagpapahalaga sa edukasyon lalung-lalo na sa komunikasyon sapagkat napakahalaga nito sa pakikipag-ugnayan sa iba't ibang uri ng tao. Nararapat lamang na magkaroon ng tunay at tapat na malasakit ang mga huwarang kabataan sa lipunan at sa mga suliraning kinakaharap nito. Ang pagiging isang mabuting anak, kapatid at mamamayan ang pangunahing tuntunin ng isang huwarang kabataaang pandaigdig sapagkat ang mga katangiang ang siyang magdadala sa mga kabataan sa kadakilaan at tagumpay na kanilang pinapangarap.