Ano ang ibig sabihin ng may gatas pa sa labi?

Sagot :

Ang katagang “may gatas pa sa labi” ay isang idyoma na nangangahulugang wala pang gaanong alam sa buhay o sa mga bagay-bagay.

Ang idyoma o sawikain ay ang hindi tuwirang pagpapahayag ng mensahe. Sa ibang salita, ito’y katagang hindi literal ang ibig sabihin ngunit nagpapahayag ng tiyak na mensahe.

Sa nabanggit na halimbawang “may gatas pa sa labi,” hindi literal na may gatas pa talaga sa labi ang sinabihan nito. Inilalarawan lamang nito na marami pang dapat matutuhan ang sinabihan nito dahil kaunti pa lang ang kaniyang nalalaman.

Kalimitang mga bata ang literal na may gatas pa sa labi dahil sa pag-inom nila nito para sa kanilang paglaki. Masustansiya ang pag-inom ng gatas kaya nakatutulong ito para lumaking malusog ang mga paslit. Sinasabing ang gatas ay pampatalino rin.

Samakatuwid, kapag sinabihan kang “may gatas pa sa labi,” hindi ka pa ganoong sanay o bihasa sa ilang bagay o sa buhay.

Halimbawa:

Binatilyo: Tatay, gusto ko sanang umekstra ng trabaho sa Maynila.

Tatay: Masyadong malayo ang Maynila at mahirap magtrabaho roon. Saka ka na sumubok magtrabaho sa lungsod dahil may gatas ka pa sa labi.

Alamin kung ano ang idyoma: https://brainly.ph/question/11894098

#SPJ2