Tula tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging asyano

Sagot :

Tula: Pagpapahalaga sa pagiging Asyano

Sagot:

Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagpapahayg ng pananw at damdamin ng manunulat ukol sa isang partikular na bagay o emosyon. Malaya siyang gumamit ng iba’t ibang salita na higit na makapgapapahayag ng kaniyang nais sabihin. Maaring may mga malalim na salita ang tula,   ipapahiwatig niya ang mga anyo, kulay, emosyon, at mga suliranin na bumabagabag sa kaniya. Halimbawa ng mga kilalang tula ay:

  • Sa aking mga Kabata (Dr. Jose Rizal)
  • Bayan Ko (Jose Corazon De Jesus)
  • Ako’y Pilipino (Teodoro E. Gener)

Tula tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging Asyano

Iba ang itsura, kutis, katangian

Kung ihahambing ito sa ibang dayuhan;

Sa tono ng pananalita hanggang sa hubog ng mukha;

Panlabas na anyo’y ikinukumpara, ano ang halaga?

Sa wika, sa kultura tayo’y higit na mayaman

Mula sa ikalaliman ng dagat hanggang sa lupang tanawan;

Walang kasing dami ang bilang ng kagubatan;

Mga kintab ng hiyas, tunay na nasa mamamayan

Munting Asyano, tunog ng huni man ay maliit,

Karikitan ay tagos abot hanggang sa langit

Takpan man ang liwanag,

Kagitingan at puso’y higit na mas magliliyab.

Paliwanag:

Pagpapakita ng pagkakaiba ngunit pagtanggap sa sarili, ang pagpapahalaga sa pagiging asyano ay pagpapahalaga rin bilang isang indibidwal na mayroong sariling personalidad, katangian, kakayahan, at angking kagandahan. Madaming uri ng tao sa mundo, magkakaiba sa lahi, sa pagsasalita, hanggang sa kulay ng kutis. Ang pagiging asyano ay hindi isang kamalian, o isang katangian na hindi dapat ipagmalaki. Sapagkat ito ay ang ating pagkakakilanlan, tama lang na ito’y pahalagahan at huwag ipagkaila.  

Para sa iba pang impormasyon tulad nito i-click ang mga link sa ibaba:  

Ano ang tula?: https://brainly.ph/question/1857679

Tula tungkol sa asya:  https://brainly.ph/question/2269439

Tula tungkol sa kasaysayan ng asya: https://brainly.ph/question/297117