ANo ang kahulugan ng salitang nganga sa tagalog


Sagot :

Ang salitang nganga ay may ibat-ibang kahulugan

  • Nganga

ito ay nangangahulugan ng pagbuka ng bibig, pag buka ng malaki ng bunganga kung may isusubong malaki o kung may titingnan o iiksamininin sa iyong bibig.

  • Nganga

pinaghalo halong buyo apog na binalot sa dahon ng ikmo na nginunguya ng mga ninuno natin noon na nagdudulot ng pamumula ng kanilang mga ngipin at laway, Sa ngayon may mga nag nganga pa rin sa Benguet ang mga katutubong ifugao.

Halimbawa sa pangungusap upang mas maunawa ang ang kahulugan

  1. Binubunutan si Godwin ng ngipin ng dentista kaya siya pina nganga nito.
  2. Malaki ang nganga ng batang si Elsa habang sinusubuan sya ng kanyang ina ng paborito niyang pagkain.
  3. Nganga na sa pagtawa ang aking ina habang pinapanood ang nakakatawang palabas sa telebisyon.
  4. Tinikman ko ang nganga ng aking lolo, ito pala ay napaka halang.
  5. Ang tao daw nag nganga ay mayroong matitibay na ngipin.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

mga talasalitaan sa ibong adarna all https://brainly.ph/question/521707

kahulugan ng mga salita https://brainly.ph/question/1530697

mga matalinhagang salita at kahulugan nito https://brainly.ph/question/108436