Mahalagang
pagtuunan ng pansin sa pag-aaral tungkol
sa Asya ang pag-aaral ng pisikal na katangian ng kapaligiran sapagkat malaki
ang epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang heograpiya. Ang
bawat salik nito gaya ng kapaligirang pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat,
anyo, vegetation cover), ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig,
klima, at likas na yaman ng isang lugar ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo
at pag-unlad ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang
kultura at kabuhayan.
Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong
makiangkop sa
kanilang kapaligiran.Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan
ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog.