Sagot :
Napapanahong Isyu sa Rehiyong Mediterranean
Kilala bilang duyan ng sibilisasyon, ang rehiyon ng Mediterranean dahil sa dito unang napaulat ang kasaysayan ng tao. Napapasailalim sa interbensyon ng tao para sa milenya. Gayon pa man ang rehiyon pa rin ay isang mahalagang mapagkukunang biyolohiko. Maraming isyu ang napapaharap sa mga bansang sakop nito. Ang ilan ang mag sumusunod:
- Populasyon
- Ruta ng transportasyon
- Polusyon
- Mahinang Politikal na sistema
Populasyon
Ang napapanahong presyur ng populasyon ay inaasahan din. Higit sa 100 milyong mga turista pagkulupunan sa baybaying dagat ng Mediterranean bawat taon at ang bilang na ito ay inaasahan na dudoble sa taong 2025. Ang likas na yaman ng rehiyong ito ay pinasusulong na nila bilang mga modernong tourist spot upang maglaan ng kita at hanapbuhay.
Ang pahingahaan at pugaran ng mga nanganganib na loggerhead na pagong (Caretta-Caretta) ay winasak upang tumanggap ng mga pasilidad ng mga turista; at ang mga dagdag na polusyon na nabuo ay madalas itinapon lang sa dagat na nagdudulot ng banta sa buong balanse ng ekosistem ng rehiyon.
Ruta ng transportasyon
Ang dagat Mediterranean din ay isa sa mga malalaking ruta ng transportasyon ng langis at hanggang sa isang milyong tonelada ng langis na krudo ay pinalabas taun-taon mula sa aksidenteng pagkatapon, kasama ang mga illegal bunkering ( o mga walang sapat na papeles ng pagdadala ng mga petrolyo) at paglilinis ng tanke, pati na rin ang hindi sapat na pasilidad sa paggawa.
Polusyon
Ang polusyon ay umabot din sa Mediterranean sa pamamagitan ng kanyang mga pangunahing sisitema ng ilog: Po, ang Ebro, ang Nile, at ang Rhone kung saan may dalang malaking halaga ng mga basurang pang-agrikultura at pang-industriya.
Mahinang Politikal na sistema
Ang Mediterranean ay nakaharap sa isang matinding dagok. Ang pagkilala ng nabubuong krisis sa Mediterranean ay ginawang mas mataas na pampulitikang isyu upang harapin ang mga problema sa kapaligiran at upang matiyak ang katatagan at pagpapanatili ng ekonomiya at lipunan.
Ano ang Mediterranean at ito saan matatagpuan? Basahin sa https://brainly.ph/question/1489901 at sa https://brainly.ph/question/573281.
Alamin ang kultura ng Mediterranean sa https://brainly.ph/question/123246.