Sagot :
Mga Solusyon Sa Suliraning Pangkapaligiran
Mahalagang masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran sa lalong madaling panahon. Narito ang ilan sa mga pwedeng gawin upang masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran:
- Magtapon ng basura sa tamang lagayan
- Huwag magsunog ng mga dahon at plastic
- Huwag mag-aksaya ng kuryente
- Magtanim ng maraming puno
- Huwag magputol ng mga kahoy
- Makilahok sa mga organisasyong nangangalaga sa kalikasan
Ang mga nabanggit ay simple lamang at kayang-kayang gawin ng sino man. Napakadali pero napaka-epektibo upang maibsan ang patuloy na pag-init ng pandaigdigang klima o global warming.
Ang isyu ng global warming (https://brainly.ph/question/2407609) ay isa sa mga tinututukan ng mga environmentalist sapagkat kinakikitaan ito ng lubhang mapanganib na dulot o epekto sa mundo.
Ang simpleng pagtatanim ng puno ay nakakatulong ng malaki upang maibsan o mabawasan ang mga greenhouse gasses sa atmosphere, sapagkat kinukuha ito ng mga puno. Ugaliin ang pagtatanim kaysa sa pagputol, iwasan ang gawain na pagputol ng punong-kahoy dahil walang saysay ang pagtatanim kung patuloy parin ang pagputol sa mga kahoy.
Ang pagsusunog din ng mga plastic at dahon ay nagko-contribute sa mga greenhouse gasses na naiipon sa atmosphere kaya mas lalong umiinit (https://brainly.ph/question/290936). Mainam na ang mga dahon ay gawin na lamang na pataba sa mga halaman. Samantala ang mga plastic ay maaaring i-recycle (https://brainly.ph/question/455064) upang magamit muli at mapakinabangan.
#BetterWithBrainly