ano ang perpektibo,imperpektibo at kontemplatibo ng salitang kontrolin,mawalan,hayaan,kumawala,matuklasan,at magpaubaya?

Sagot :

Answer:

Ang perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo ay tumutukoy paglalarawan ng salitang kilos. Sa ingles, ang mga ito ay mas kilala bilang past, present at future tenses. Ito ay mga pandiwa na siyang ginagamit upang matukoy ang eksaktong estado ng kilos na isinasagawa.

Mga termino

  1. Kontrolin
  2. Mawalan
  3. Hayaan
  4. Kumawala
  5. Matuklasan
  6. Magpaubaya

Kontrolin

  • Kinontrol - Kinontrol ni Michael ang kanyang laruan.
  • Kinokontrol - Kinokontrol ni Michael ang kanyang laruan.
  • Kokontrolin - Kokontrolin ni Michael ang kanyang laruan.

Mawalan

  • Nawalan - Nawalan kami ng tubig kanina.
  • Nawawalan - Nawawalan kami ng tubig sa kasalukuyan
  • Mawawalan - Mawawalan kami ng tubig bukas

Hayaan

  • Hinayaan - Hinayaan siya ng kanyang magulang na maglaro
  • Hinahayaan - Hinahayaan siya ng kanyang magulang na maglaro
  • Hahayaan - Hahayaan siya ng kanyang magulang na maglaro

Kumawala

  • Kumawala - Kumawala ang aso sa pagkakatali
  • Kumukuwala - Kumukuwala ang aso sa pagkakatali
  • Kakawala - Kakawala ang aso sa pagkakatali

Matuklasan

  • Tinuklas - Si Jane ay tinuklas ang lihim ng kanyang asawa.
  • Tinutuklas -  Si Jane ay tinutuklas ang lihim ng kanyang asawa.
  • Matutuklasan o Tutuklasin -  Si Jane ay tutuklasin ang lihim ng kanyang asawa.

Magpaubaya

  • Nagpaubaya - Nagpaubaya siya sa kanyang kapatid.
  • Nagpapaubaya - Nagpapaubaya siya sa kanyang kapatid.
  • Magpapaubaya - Magpapaubaya siya sa kanyang kapatid.

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa perpektibo, sumangguni sa mga sumusunod na links

Ano ang perpektibo?

https://brainly.ph/question/1929867

Halimbawa ng perpektibo

https://brainly.ph/question/266087

Perpektibo ng matulog

https://brainly.ph/question/1802496

Aspekto ng Pandiwa:

Ang aspekto ng pandiwa ay katangian ng pandiwa na nagsasabi kung ang pandiwa ay nagaganap sa kasalukuyan, naganap na, o gaganapin pa lamang. Kadalasan ang mga ito ay tinatawag na perpektibo kung ang kilos ay natapos na, kontemplatibo kung ang kilos ay gagawin pa lamang, at imperpektibo kung ang kilos ay ginagawa pa lamang.

Ano ang mga aspekto ng pandiwa:  https://brainly.ph/question/73927

Mga Halimbawa:

  • kontrolin
  • mawalan
  • hayaan
  • kumawala
  • matuklasan
  • magpaubaya

Ang aspektong perpektibo ng pandiwang kontrolin ay kinontrol. Ang aspektong  imperpektibo naman ay kinokontrol, at ang aspektong  kontemplatibo ay kokontrolin.

Mga Halimbawang Pangungusap:

  1. Masasabing kinontrol ang pag – aaral ng edukasyon noon sapagkat tanging mga kababaihan lamang ang maaaring mag – aral sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
  2. Kasalukuyang kinokontrol ng pamahalaan ang populasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pills para sa mga kababaihan at condom naman para sa mga kalalakihan.
  3. Kung hindi kokontrolin ng mga magulang ang paggamit ng gadget ng kanilang mga anak maaari silang magkaroon ng iba’t ibang sakit dulot ng labis na pagkagumon dito.

Ang aspektong perpektibo ng pandiwang mawalan ay nawalan. Ang aspektong imperpektibo naman ay nawawalan at ang aspektong kontemplatibo ay mawawalan.

Mga Halimbawang Pangungusap:

  1. Nawalan ng ganang kumain si Nena matapos makita ang tambak ng basura sa harap ng kanilang bahay.
  2. Maraming mag – aaral ang nawawalan ng pera sa loob ng silid – aralan kaya naman minabuti ng kanilang guro na payuhan ang mga mag – aaral na huwag magdala ng malaking halaga.
  3. Inanunsyo ng Maynilad na mawawalan ng tubig kaya’t dali – dali kaming nag ipon upang hindi maubusan.

Ang aspektong perpektibo ng pandiwang hayaan ay hinayaan. Ang aspektong imperpektibo naman ay hinahayaan at ang aspektong kontemplatibo ay hahayaan.

Mga Halimbawang Pangungusap:

  1. Hinayaan ni Mimi na maglaro ang anak sa hardin kasama ang mga kaibigan habang nakikipag kwentuhan sa mga nanay nito.
  2. Hinahayaan ng Diyos na makaranas ang tao ng pagsubok upang sila ay matuto.
  3. Ang lahat ng mga sasakayan ay hahayaan dumaan sa tulay sa pagitan ng 7 – 10pm.  

Ang aspektong perpektibo ng pandiwang kumawala ay kumawala pa rin. Ang aspektong imperpektibo naman ay kumakawala at ang aspektong kontemplatibo ay kakawala.

Mga Halimbawang Pangungusap:

  1. Ang sidecar ng tricycle ay kumawala sa pagkakakabit kaya naman ito ay maagap na itinabi ng drayber upang makaiwas sa aksidente.
  2. Pilit kumakawala si Intoy sa pagkakagapos ng kanyang mga kamay upang maipagtanggol ang sarili laban sa mga lalaking nanakit sa kanya.
  3. Kailan kaya kakawala ang Pilipinas sa impluwensya ng mga bansang kalapit nito?

Ang aspektong perpektibo ng pandiwang matuklasan ay natuklasan. Ang aspektong imperpektibo naman ay tinutuklas at ang aspektong kontemplatibo ay tutuklasin.

Mga Halimbawang Pangungusap:

  1. Natuklasan ng mga eksperto na merong bukal ng langis na tumatagas mula sa kweba.
  2. Pilit tinutuklas ng mga doktor ang lunas sa masamang epekto ng dengvaxia vaccine.
  3. ipinangako ni Marian na tutuklasin ang nakatagong lihim ng kanyang mga magulang.

Ang aspektong perpektibo ng pandiwang magpaubaya ay nagpaubaya. Ang aspektong imperpektibo naman ay nagpapaubaya at ang aspektong kontemplatibo ay magpapaubaya.

Mga Halimbawang Pangungusap:

  1. Dahil si Vermon ang panganay kaya’t siya na lamang ang nagpaubaya.
  2. Madalas itanong ng mga nakatatandang anak kumbakit sila ang parating nagpapaubaya.
  3. Nagpasiya si Marina na siya na lamang ang hihinto sa pag – aral at magpapaubaya sa nakatatandang kapatid na si Arlene.

Mga halimbawa ng aspektong kontemplatibo: https://brainly.ph/question/111227

Mga halimbawa ng aspektong imperpektibo:  https://brainly.ph/question/83011