Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala sa kuwento ng "Ang Tusong Katiwala"

Sagot :

Answer:

Sa kwento Ang Tusong katiwala ang suliraning Kinakaharap ng katiwala ay ng Ipatawag siya ng kanyang amo at pinagagawa siya ng kanya amo ng isang pag-uulat tungkol sa kanyang pangangasiwa sa mga ari-arian nito.

Umabot sa kaalaman ng kanyang amo ang ginagawa niyang pag lulustay sa mga ari-arian nito kaya ibig siyang sisantihin ng kanyang amo ngunit inutusan muna na gumawa siya ng isang pag-uulat patungkol sa kanyang pangangasiwa sa mga ari-arian nito. Sapagkat tuso nga ang katiwala ay naka isip siya ng paraan. Ipinatawag niya ang lahat ng may utang sa kanyang amo at kinausap ang mga ito. ang inilista niya ay kalahati lamang sa kabuuan ng utang ng mga ito. naisip din kasi niya na kung sakali man na siya ay masisante ay mayroon ibang taong tatanggap sa kanya.dahil ayaw na niyang mag bungkal ng lupa. at wala namang siyang alam na ibang trabaho.

Ang mensahe ng kwentong ang Tusong Katiwala

Huwag sayangin ang tiwalang ibinibigay sa iyo ng isang tao,dahil pag nasira ang tiwalang ibinigay sa iyo ay mahirap na muli itong maibalik.Laging maging tapat sa lahat ng bagay maliit man ito o malaki. Sabi nga nila napakadaling ibigay ang pagtitiwala sa isang tao, Ngunit pag nasira na ito ay napakahirap ng ibalik, maihahalintulad mo ito sa isang papel na iyong kinayumos lapatin mo man itong muli hindi mo na maibabalik sa dati ang kinis at ganda nito dahil nakabakas na dito ang pagkakagusot niya.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

buod ng tusong katiwala https://brainly.ph/question/140314

ang tusong katiwala https://brainly.ph/question/132460

parabula ang tusong katiwala https://brainly.ph/question/159371